Manila, Philippines – Tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi ang turn-over ng modelo ng 2 classroom buildings na donasyong sa pamahalaan ng Filipino Chinese businessmen.
Aabot sa 346 school buildings o kabuoang 692 na classrooms ang donasyon ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. sa Department of Education sa ilalim ng programang “Operation Bario school”
Nabatid na itatayo ang mga nasabing pampublikong paaralan bilang tulong ng Filipino Chinese business sector para mapunan ang kakulangan ng classrooms sa buong bansa.
Matatandaan na kagabi ay pinangunahan ni Pangulong Duterte ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng FFCCCII sa Palasyo ng Malacanang kung saan sinabi ng Pangulo na umaasa siyang mananatiling katuwang ang Filipino Chinese Business Sector sa pagbuo ng isang progresibo at mapayapang Pilipinas.
Mahigit 600 classrooms, ipagagawa ng Filipino-Chinese businessmen para sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa
Facebook Comments