Mahigit 600 Indibidwal, Apektado Ng Pagbaha Sa Central At Eastern Argentina

5

ARGENTINA – Umabot sa 650 indibidwal ang inilikas habang dalawa ang nawawala sa pagbaha sa Eastern at Central Argentina.Apektado dito ang ilang probinsya sa Santa Fe, Cordoba at Buenos Aires.Nasa 400 naman ang inilikas sa probinsya ng Buenos Aires at dito naitala ang dalawang missing.Samantala hinagupit din ng bagyo ang munisipalidad ng Pergamino, Ramallo, Colon, Arrecifes, Rojas, Salto, San Nicolas, Florentino Ameghino at General Villegas.Agad namang sumaklolo ang mga otoridad para bigyan ng basic goods at tulong pinansal ang mga apektadong residente.

Facebook Comments