Umaarangkada na ang vaccination para sa A5 category o mga tricycle driver, indigents at mga frontliner sa Pasay West High School sa lungsod ng Pasay.
Kaugnay nito, higit 600 indibidwal na kabilang sa A5 category ang bibigyan ng first dose laban sa COVID-19 sa Pasay West High School.
Kabilang ang mga tricycle driver sa A5 category na babakunahan ngayong araw gamit ang AstraZeneca vaccine na bahagi na binili ng Pasay Local Government Unit (LGU).
Target ng lungsod ang 600 miyembro ng TODA ang mabakunahan ng first dose habang 48 naman ang tatanggap ng kanilang second dose.
Layon nitong mabigyan ng proteksyon ang mga miyembro ng TODA laban sa kinatatakutang Delta variant.
Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, sa pamamagitan ng bakuna makapagpatuloy na ang mga miyembro ng TODA sa kanilang hanapbuhay at maililigtas sila laban sa virus kung sila ay maturukan na ng COVID-19 vaccine.
Paliwanag ni Rubiano, nasa 98% na ang lungsod na nagamit o nakapag-roll out sila ng mga bakuna na bahagi ng donasyon mula sa national government.