Nabigyan na ng certificate of discharged ang nasa 632 na mga kapatid nating Person’s Deprived of Liberty (PDL’s) na natapos na o napagsilbihan ang kanilang sintensya.
Sa datos na inilabas ng Bureau of Corrections (BuCor) umabot sa 11,347 noong 2022 ang napalaya na mga PDL.
Noong November 2022 naman hanggang taong kasalukuyan nasa 8,324 na ang nai-release ng Bureau of Corrections.
Ayon kay BuCor Chief Director General Gregorio Catapang Jr., nawa’y maging inspirasyon ang paglaya ng mga PDL para sa iba na nananatili pa sa loob ng piitan.
Aniya, sana’y mas dumami pa ang makalaya kasunod ng “Bagong BuCor sa Bagong Pilipinas”.
Dagdag pa ni Catapang na baka umabot pa sa hanggang 10,000 ang mapapalaya sa mga susunod na buwan.
Samantala, sinabi naman ni Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Rueda-Acosta, sa lahat ng lalaya na magbagong buhay at yakapin ang sarap ng buhay sa labas ng piitan.