Mahigit 600 na atletang Pinoy, ipapadala sa SEA Games

Aabot sa 626 na atletang Pinoy ang ipapadala ng bansa para maglaro sa 2021 Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam mula Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2.

Sa nasabing bilang, maglalaro ang Pilipinas sa 39 sports events mula sa 40 events ng 2021 SEA Games.

Una nang nagsumite ang Philippine Olympic Committee (POC) ng 560 na atleta sa Vietnamese SEAG organizers.


Pero nagkaroon ng mga pagbabago at idinagdag ang 66 na iba pa matapos ang pakikipagpulong ng POC sa 39 national sports associations.

Facebook Comments