Mahigit 600 na kaso ng leptospirosis sa bansa, naitala ng DOH sa loob ng limang buwan

Nakapagtala ang Department of Health o DOH ng kabuuang 631 na kaso ng leptospirosis mula January 1 hanggang May 7, 2022.

Ayon sa DOH, ang mga naturang bilang ay mas mataas ng 6% kumpara sa mga naiulat na kaso noong parehong panahon noong 2021 na nasa 596 lang.

Dagdag pa ng DOH, nakapagtala ng 338 kaso mula March 13 hanggang April 30, na mas mataas ng 193% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.


Samantala, 154 na kaso ang naitala mula April 10 hanggang May 5 kung saan, karamihan sa mga ito ay mula sa Western Visayas na may 31 na kaso, Cagayan Valley na may 23 at Metro Manila na may 20 na kaso.

Nakitaan ng pagtaas ng kaso ng leptospirosis ang Cagayan Valley, Bicol Region, Western Visayas, Eastern Mindanao at Cordillera Administrative Region o CAR mula April 10 hanggang May 7.

Dahil dito, nagbabala ang DOH sa publiko na iwasan ang naturang sakit sa pamamagitan ng pananatiling tuyo at pag-iwas sa baha.

Gayunpaman, inirekomenda ng DOH ang paggamit ng sapatos tulad ng waterproof na bota.

Facebook Comments