Thursday, January 15, 2026

Mahigit 600 pasahero stranded sa mga pantalan sa Eastern Visayas dulot ng Bagyong Ada, ayon sa NDRRMC

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa kabuuang 677 na mga pasahero ang stranded sa mga pantalan sa Eastern Visayas dulot ng Bagyong Ada.

Kung saan aabot sa 31 mga pantalan ang non-operational o kanselado ang mga biyahe.

Ang mga naiulat na non-operational na pantalan ay sa Northern Samar, Eastern Samar, Samar at Leyte dahil na rin sa sama ng panahon.

Samantala stranded din ang nasa 226 na rolling cargoes at 4 na vessels.

Kaugnay nito, 6 na lungsod at munisipalidad naman sa Samar ang nagsuspinde ng klase dulot ng nasabing bagyo.

Patuloy namang nagsasagawa ang NDRRMC at iba pa nitong katuwang na ahensya ng monitoring ng lagay ng panahon at sa pagtitiyak ng kritikal na preparasyon para sa posibleng epekto ng bagyo.

Facebook Comments