Mahigit 600 Residente sa Cauayan City, Nabigyan ng Benepisyo sa Medical Mission ng SM City Cauayan!

Cauayan City, Isabela – Matagumpay na naisagawa ng SM City Cauayan ang kanilang medical mission sa Brgy. District III na dinaluhan din ng iba pang barangay kahapon  kung saan ay nabigyan ng libreng serbisyong medical ang mahigit sa anim na daang residente sa pakikipagtulungan ng City Health Office at mga barangay health workers.

Layunin ng SM Foundation, Gamot para sa Kapwa na tulungan ang mga nasalanta ng bagyong ompong.

Lubos naman na pinasalamatan ni Ms. Sheila Marie Estabillo, Mall Manager ng SM City Cauayan ang tanggapan ng City Health Office at mga barangay health workers dahil sa naging matugumpay ang kanilang aktibidad at naipaabot ang tulong at serbisyong medical.


Kabilang sa mga serbisyong ibinahagi ng medical mission ay ang libreng ECG, X-ray, blood testing at libreng mga gamot.

Samantala bakas naman sa mukha ng mga nagpakonsultang residente ang kaligayahan dahil sa ipinaabot na serbisyo ng SM City Cauayan kung saan ay nakatakda naman ang kaparehong aktibidad sa SM Tuguegarao City, Cagayan ngayong araw.




Facebook Comments