Mahigit 600 Tocilizumab vials, naipamahai ng Manila LGU sa iba’t ibang lugar sa bansa

Umabot sa 622 Tocilizumab vials ang naipamahagi ng lokal na pamahalaan ng Manila sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Layon nito na makatulong sa iba pang Local Government Unit (LGU) na may mataas na kaso ng COVID-19.

Kabilang sa mga nabigyan ng Tocilizumab vials ang 12 lungsod sa National Capital Region (NCR), 17 lugar sa Luzon, 3 lugar sa Visayas, at 3 lugar sa Mindanao.


Kasabay nito, itinanggi ng lokal na pamahalaan ng Manila na hindi tatanggap ang lungsod ng mga hindi pa bakunado mula Visayas at Mindanao.

Facebook Comments