Mahigit 6,000 ang naidagdag sa mga bagong gumaling sa COVID-19

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 6,477 na gumaling sa COVID-19 ngayong araw.

5,392 ang karagdagang bagong kaso habang 43 lamang ang bagong nasawi.

Umabot naman sa 51,594 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.


Sa ngayong, umabot na sa 1,441,746 ang kabuuang kaso sa bansa, 1,364,960 ang mga gumaling at 25,192 ang mga nasawi.

Facebook Comments