Aabot sa 6,370 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Poblacion, Lutayan, Sultan Kudarat ang nabigyan ng ayuda ng Department of Agrarian Reform (DAR).
Ayon kay Agrarian Reform Secretary John Castriciones, alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan ang mga magsasaka sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Kabilang sa tinanggap ng mga magsasaka ay bigas, canned goods, instant noodles, face masks, antibacterial soaps at vitamins.
Ganitong tulong din ang ipinamigay ng DAR sa 250 ARBs sa Isulan.
Una nang nag-isyu ang DAR ng identification cards sa lahat ng ARBs sa buong bansa.
Layon nito na matiyak na lahat sila ay makakatanggap ng tulong hindi lamang sa ganitong operasyon kundi pati na sa delivery ng support services sa kanilang farming activities.