
CAUAYAN CITY – Sumailalim sa Hands-Only Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) Olympics School Edition ang mahigit anim (6) na libong estudyante sa iba’t ibang secondary schools sa Mallig, Isabela.
Ilan sa mga lumahok na paaralan ay mula sa Mallig National High School, Mallig Plains National High School, San Jose National High School, Bimonton Integrated School, at Mallig Plains Colleges Incorporated.
Sa naturang pagsasanay, tinalakay ang mga paghahandang gagawin at itinuro sa mga ito ang ilang mga skills na kailangan sa panahon ng sakuna at kalamidad.
Sa ganitong paraan ay may sapat na kaalaman ang mga ito pagdating sa pagbibigay ng first aid.
Katuwang ng nabanggit na mga paaralan ang lokal na pamahalaan ng Mallig, Philippine Red Cross Isabela Chapter, Isabela Provincial Health Office, Rural Health Unit, at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).