Mahigit 6,000 gumaling sa COVID-19

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 6,660 na gumaling sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,676,349 ang kabuuang COVID-19 recoveries sa bansa.

Nasa 3,218 ang karagdagang kaso kaya pumalo na sa 2,768,849 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit.


Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso, 1.8 % o 50,152 ang aktibong kaso ngayon sa bansa.

271 naman ang pumanaw kaya umabot na sa 42,346 ang kabuuang nasawi dahil sa COVID-19.

Facebook Comments