Aabot nasa mahigit anim na libong healthcare workers ang nakatanggap ng booster doses ng anti-COVID-19 vaccines
Ayon kay Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje, simula noong Nov. 18, 2021 nasa 6,457 healthcare workers na sa buong Pilipinas ang naturukan ng booster shot kontra COVID-19.
Pinakamaraming nabigyan aniya ay sa National Capital Region na umabot sa 2,811.
Sinundan ito ng Cordillera Administrative Region na nasa 1,457 at Region 3 na may 1,541 healthcare workers.
Patuloy naman ang pagkakalap ng datos ng DOH para sa iba pang rehiyon sa bansa.
Facebook Comments