MAHIGIT 6,000 KATAO, INILIKAS SA DAGUPAN CITY DAHIL SA MALAWAKANG PAGBAHA AT INAASAHANG STORM SURGE

Mahigit 6,000 katao ang inilikas sa Dagupan City dahil sa malawakang pagbaha na dulot ng matinding pag-ulan, pag-apaw ng mga ilog, at malakas na habagat. Bukod dito, inaasahan din ang isang storm surge na may taas na mula 2.1 hanggang 3 metro, ayon sa PAGASA.

Dahil sa banta ng mataas na tubig at malakas na alon, posibleng ipahinto ng Philippine Coast Guard ang operasyon ng mga motorboat sa paligid ng lungsod upang maiwasan ang anumang aksidente at mapanatili ang kaligtasan ng mga pasahero.

Idineklara na ng lokal na pamahalaan ang state of calamity sa Dagupan City upang mapabilis ang paglalaan ng tulong at agarang rehabilitasyon sa mga apektadong pamilya.

Hanggang ngayon, pinapayuhan ang mga residente na manatili sa ligtas na lugar at sundin ang mga direktiba ng mga lokal na opisyal at ahensya upang maiwasan ang panganib. Patuloy ang pagmamanman sa kalagayan ng panahon at pagbaha upang mabigyan ng agarang tulong ang mga nangangailangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments