Manila, Philippines – Mahigit 6,000 katao ang nanatili sa evacuation centers sa Batangas sa gitna ng earthquake swarm na tumama sa lalawigan simula noong Martes.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council – katumbas ng bilang na ito ang 1,222 pamilya na nasa 19 evacuation centers.
Ilang landslide at imprastruktura rin ang naiulat na napinsala ng magkasunod na malakas na lindol sa Batangas.
Nawalan din ng supply ng kuryente sa malaking bahagi ng probinsya.
Sa press conference ngayong hapon ng Department of Energy – inihayag ni DOE Undersecretary Wimpy Fuentebella na ipinag-utos na ni Secretary Alfonso Cusi ang ligtas at agarang restoration ng power supply sa mga apektadong lugar.
Matatandaang noong April 4, niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang Batangas.
Sinundan ito ng mas malakas na aftershocks na magnitude 6.0 at magnitude 5.6 na lindol noong Sabado.
Nation”