Mahigit 6,000 katao, nananatili pa rin sa mga evacuation center kasunod ng magnitude 5.6 at 6.0 na lindol sa Mabini, Batangas; red alert status – itinaas ng RDRRMO-Calabarzon

Manila, Philippines – Nasa dalawang libong pamilya ang lumikas sa kani-kanilang mga bahay sa mabini, Batangas kasunod ng dalawang magkasunod na lindol kahapon.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng Mabini, mahigit anim na libong katao ang nananatili sa mga evacuation centers dahil na rin sa sunod-sunod na aftershocks.

Nabatid na umabot na sa higit 100 aftershocks ang naitala matapos ang magnitude 5.6 at 6.0 na lindol kung saan pinakahuli ang magnitude 3.2 na tumama sa mabini kaninang alas 3:50 nang madaling araw.


Lima naman ang naitalang sugatan habang ilang mountaineers ang pinaghahanap matapos na mawalan ng contact.

Naibalik naman na ang kuryente sa mga lugar na naapektuhan ng lindol pero ilang kalsada ang hindi pa madaanan dahil sa pagtumba ng mga puno at pagguho ng malalaking tipak ng bato.

Nagtaas na rin ng red alert status ang RDRRMO-Calabarzon habang nagpapatuloy ang assessment sa nangyaring lindol.
Nation”

Facebook Comments