Mahigit 6,000 lumang baril, sinira sa Krame

Winasak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang 6,526 na nakumpiska, nasabat, isinuko, idineposito, at inabandonang armas sa Kampo Krame.

Bahagi ito ng “demilitarization” kung saan ang mga lumang armas na wala nang pakinabang ay ginagawang scrap metal upang masiguro na hindi na magagamit pa ang mga piyesa nito.

Ang PNP Logistics Office ang siyang namamahala sa demilitarization kung saan aabot sa mahigit 25,000 luma at sirang armas ang kanilang na-imbentaryo mula Pebrero 2021 hanggang Enero 2022 na isinailalim sa serye ng pagwasak.


Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang hakbang ay bahagi rin ng gun control measures ng PNP upang masiguro na hindi mapapasakamay ng mga masasamang loob o mga kriminal ang nabanggit na mga armas.

Facebook Comments