Mahigit 6,000 mga pulis, nasampahan ng kasong administratibo

Iniulat ng Philippine National Police Internal Affairs Service (PNP IAS) na mahigit 6, 000 na mga pulis ang nasampahan na ng kasong administratibo sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.

Ayon kay IAS Inspector General Atty. Brigido Dulay, mula July 2022 hanggang July 2024, umabot na sa 6,256 na mga pulis ang nabigyan na ng rekomendasyon sa iba’t ibang mga parusa.

Sa naturang bilang, 2,551 ang nabigyan ng sintensya kung saan 572 ang inirekomendang sibakin sa serbisyo, 260 ang inirekomendang i-demote at 1,418 ang inirekomendang masuspinde.


Samantala, ang nalalabing bilang naman ay binigyan ng mas magaang na parusa.

Paliwanag ni Dulay, nakitaan ang mga pasaway na pulis ng simple misconduct, simple dishonesty, simple irregularity, simple neglect of duty, less grave neglect of duty, less grave misconduct, conduct unbecoming of police officer at iba pang paglabag.

Facebook Comments