Manila, Philippines – Aabot sa mahigit na 60,000 na pulis, sundalo at mga force multipliers mula sa Central Luzon at Metro Manila ang ipapakalat para sa seguridad ng mga delagado ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Leaders’ Summit sa Nobyembre 10-14 sa Clark, Pampanga at Manila.
Magsisimula sa katapusan ng buwang ito ang pag-duty ng karamihan ditto kung saan 80 porsyento ang ipapakalat sa Metro Manila para sa pagbigay seguridad sa mga delegado at heads of state.
Habang mayroong mahigit 5,000 police mula sa Central Luzon ang siyang naka-assign sa kabuuan ng ASEAN summit sa Clark.
Kahapon, nagsagawa ng dry run ng convoy ang mga otoridad mula sa Clark, Pampanga patungo sa Conrad Hotel sa Pasay City.
Facebook Comments