Mahigit 60,000 pasahero sa mga pantalan sa buong bansa, naitala ng PCG

Mahigit 60,000 pasahero ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pantalan sa buong bansa simula kahapon.

Batay sa datos ng PCG, umabot sa 31,630 outbound passengers at 29,228 inbound passengers ang naitala sa lahat ng ports sa bansa.

Nag-inspeksyon din ang Coast Guard personnel ng 210 barko at 155 motorbanca upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at ang pagiging seaworthy ng mga sasakyang pandagat.

Mananatili naman sa heightened alert ang PCG sa kanilang mga district, station, at sub-station hanggang January 4, 2026, bilang paghahanda sa patuloy na pagdagsa ng mga pasahero ngayong nalalapit ang Bagong Taon.

Facebook Comments