Mahigit 600,000 manggagawa, nakabalik na sa trabaho nitong setyembre ayon sa DOLE

Inihayag ni Department of Labor Secretary Silvestre Bello III na nasa mahigit 600,000 manggagawa na ang nakabalik sa trabaho nitong buwan ng Setyembre.

Ang pahayag ng kalihim kasunod ng report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na umakyat sa 3.88 million katao ang walang trabaho noong buwan ng Agosto dahil na rin sa mahigpit na implementasyon ng quarantine classification at lockdown.

Ayon kay Bello, ang pagbabalik trabaho ng mahigit 600,000 manggagawa ay matapos ang unti-unting pagluwag ng quarantine status partikular sa Metro Manila dahil sa pagbaba na ng kaso ng COVID-19.


Para naman sa mga wala pa ring trabaho, sinabi ni Bello na maaari silang mag-avail ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD Program ng DOLE kung saan nasa P3.5 billion ang pondong nakalaan para sa kanila.

Facebook Comments