Mahigit 600,000 Pamilya sa Region 2, Naisama sa ‘LISTAHAN’ Project ng DSWD

Cauayan City, Isabela- Umabot sa 678, 190 na pamilya sa buong Cagayan Valley ang napasama sa ‘Listahanan Project’ o The National Household Target System for Poverty Reduction (NHTS-PR) ng Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD FO2) para sa third round assessment ng ahensya.

Ito ay matapos mag-ikot ang nasa 1,000 field staff (enumerator) nitong nakalipas na Oktubre 2019 para magsagawa ng house-to-house interview sa iba’t ibang probinsya gaya ng Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino.

Batay sa datos, 2,991 households ang sumailalim sa assessment sa Batanes; 236,407 households sa Cagayan; 324, 205 households sa Isabela; 74, 583 households sa Nueva Vizcaya; at 40, 004 households sa Quirino.


Ayon kay Ginoong Christopher M. Soriano, Regional Field Coordinator of NHTS-PR, tumaas ng mahigit sa 4% o katumbas ng 23,000 households ang naidagdag kumpara sa target ng central office na 654,00 households.

Paliwanag niya, ang datos na ibinaba ng central office ay nagsilbing batayan kung saan ang pagtaas ng bilang ngayon ay nasa tamang pagsailalim sa mga assessment.

Ang Listahanan Project ay layong makapaglaan sa database ng mga itinuturing na mahihirap na siyang basehan ng ahensya para sa beneficiaries sa iba’t ibang programa at serbisyo nito.

Kabilang diyan ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) and Unconditional Cash Transfer Program (UCT).

Basehan din ang datos ng National Government Agencies (NGA’s), Local Government Unit’s (LGU’s), Non-Government Organizations (NGO’s,bilang dokumento na tiyakin na magbebenepisyo ang mga mahihirap.

Facebook Comments