Aabot sa 644,487 na mga indibidwal sa 13 munisipalidad at siyudad sa Negros Occidental ang nanganganib sa banta ng lahar.
Sa gitna na rin ito ng patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Kanlaon at posibleng pamumuo ng Low Pressure Area.
Ayon sa Office of Civil Defense o OCD-Western Visayas, makikita sa kanilang mapa ang lahar hazard flow areas na potensyal na maapektuhan sakaling makaranas nang malakas na pag-ulan.
Dahil dito, patuloy na pinag-iingat ng OCD-Western Visayas ang mga residente sa palibot ng bulkan at pinapayuhang lumikas upang maiwasan ang casualties.
Facebook Comments