Wednesday, February 11, 2026

Mahigit 61 milyong pisong halaga ng ilegal na sigarilyo, nakumpiska ng CIDG sa loob ng dalawang araw; 19 na mga indibidwal naaresto

Nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group ang mahigit 61 na milyong pisong halaga ng ilegal at smuggled na sigarilyo sa kinasang 18 operasyon sa buong bansa.

Noong Pebrero 8, nasa kabuuang 10 indibidwal ang naaresto at nakakumpiska ng mahigit 3 milyong pisong halaga ng hinihinalang ilegal na sigarilyo.

Ito ay kasunod ng isinagawang 10 magkakahiwalay na raid sa Lanao del Norte, Iligan City, Davao City, Davao del Norte, Davao Oriental , Bukidnon, Albay, Zamboanga Del Norte, Misamis Oriental, at Tarlac .

Habang noong Pebrero 9 naman, patuloy ang isinagawang operasyon ng hanay na nagresulta sa 9 na mga suspek na naaresto at mahigit 58 na milyong pisong halaga ng hinihinalang ilegal na droga.

Ito ay mula sa mga operasyon sa Laguna, Zambales, Batangas, Negros Oriental, Cavite, Misamis Occidental, at Tarlac.

Dahil dito nahaharap ang mga suspek sa mga kaukulang kaso.

Facebook Comments