Mahigit 64-billion pesos, tinatayang magagastos kapag itinaas ang subsidiya kaugnay sa PUV modernization program

P64.2 bilyon ang tinatayang magagastos ng gobyerno sa kaugnay sa modernisasyon ng Public Utility Jeepneys (PUJ) at UV Express (UVE) kung itataas ang subsidiya sa P360,000 kada unit.

Inihayag ito ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Board Member Riza Marie Paches sa briefing ng House Committee on Transportation.

Binanggit ni Paches na sa simula ng programa ay nagbigay na ang pamahalaan ng 80,000 pesos na kalauna’y tumaas sa 160,000 pesos para sa kada unit ng jeep at UV express.


Ayon kay Paches, nasa 178,213 PUJ at UVE sa buong bansa ang saklaw ng Public Utility Vehicle o PUV modernization program.

Sabi ni Paches, sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act, ay may nakalaang P1.050 bilyon para sa expanded equity subsidy at sa naturang halaga ay P39.240 milyon ang naibigay na.

Habang P95.5 milyon pa aniya ang naka-pending ang pagpapalabas, at P157.32 milyon ang nakareserba sa mga naghain ng aplikasyon.

Facebook Comments