
Umaabot sa 17,588 na pamilya o katumbas ng mahigit 64,000 indibidwal ang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng habagat at nagdaang Bagyong Mirasol at Bagyong Nando.
Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga naapektuhan ay mula sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Gitnang Luzon, Bicol Region at Western Visayas.
Sa nasabing bilang nasa 353 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa 15 evacuation centers sa mga apektadong rehiyon.
Samantala, nasa 9 na kabahayan ang winasak ng sama ng panahon kung saan 4 ang partially damaged habang 5 ang totally damaged.
Kaugnay nito, nasa ₱2.2-M na halaga ng ayuda ang naipagkaloob ng pamahalaan sa mga apektadong residente.
Wala namang naiulat na nasawi at nasugatan pero may 1 nawawala na patuloy na beneberipika.









