Mahigit 640,000 OFWs, nakauwi na ng Pilipinas – DOLE

Umabot na sa mahigit 640,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang napauwi sa Pilipinas dahil sa epektong dulot ng COVID-19.

Batay sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), kabuuang 641,717 na ang nakatapos sa pagsasailalim sa quarantine protocols habang 9,000 pa ang kasalukuyang naka-quarantine.

Una nang pinaiksi ng DOLE ang quarantine period para sa mga OFWs upang mabigyan ito ng pagkakataong makasama ng mas matagal ang kanilang pamilya


Sa ngayon, batay sa datos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 2019 ay nasa 10.35 milyon pa ang mga OFWs na nasa ibang bansa habang sa tala ng DOLE ay nasa 8.87 milyon pa ang mga ito.

Facebook Comments