Mahigit 65 milyong doses ng COVID-19 vaccines, naiturok na sa bansa

Umabot na sa 65,764,376 dose ng COVID-19 vaccine ang naiturok na sa bansa.

Sa datos ng National COVID-19 Vaccination dashboard, umabot na sa 30,108,097 Pilipino ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, 517,998 ang nabigyan ng unang dose habang nasa 299,012 ang nabigyan ng second dose.


Ang average daily vaccines naman na naiturok sa nagdaang pitong araw ay umabot sa 765,422 dose.

Kumpiyansa ang gobyerno na maaabot ang target na 1.5 milyong ang mababakunahan kada araw upang makamit ang population protection bago magtapos ang taon.

Facebook Comments