
Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) ang pagsisimula ng proseso ng pag-rerecruit para sa mga bagong pulis sa buong bansa.
Kung saan nasa kabuuang 5,639 na quota slots mula sa 17 Police Regional Offices (PRO) sa buong bansa ang nilaan ng ahensya.
Kasama na rin dito ang 900 quota slots mula sa National Support Units (NSU) kagaya ng mga grupo para sa Anti-Kidnapping, Criminal Investigation and Detection, PNP Drug Enforcement, Special Action Force (SAF), at marami pang iba.
Kaugnay nito, binigyang-diin ni acting chief PNP PLtGen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., na walang bayad ang proseso sa nasabing recruitment at walang sinuman ang awtorisadong mangolekta ng bayad at mag-alok ng tulong kapalit ng pagkakapasok sa ahensya.
Samantala, tiniyak naman ng Chief ng PNP Public Information Office (PIO) na si PBGen. Randulf T. Tuaño na magiging transparent at patas ang magiging proseso sa nasabing recruitment.









