MANILA – Aabot sa mahigit 65,000 guro at non-teaching staff ang maaring tanggapin ng Department of EDUCATION (DepEd) ngayong taon.Ayon sa budget department – inilaan sa DepEd ang P19.4 billion para matugunan ang malaking ang malaking kakulangan sa bilang ng mga guro.Para sa taong 2017 – P543 billion ang kabuuang pondo na inilaan ng pamahalaan para sa DepEd.Dahil sa naturang pondo, maaring tumanggap ang deped ng aabot sa 53,831 na guro at 13,280 na non-teaching staff sa buong bansa.Bukod ditto, paglalaanan din ng pondo ng DepEd ang pagtatayo ng mga silid aralan at mga upuan para sa k-12 program ng pamahalaan, gayundin ang pagbili ng limamput’ limang milyong libro at instructional materials.
Facebook Comments