Mahigit 7-M pesos na halaga ng party drugs, nasabat ng PDEA sa Port of Clark Pampanga

Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Clark Interdiction Unit, National Bureau of Investigation (NBI) Pampanga District Office, Philippine National Police – Aviation Security Unit 3 (PNP-AVSEGROUP), PNP Drug Enforcement Group, PDEA Intelligence Section, at PDEA SES K-9 Unit ang 4,491 piraso na party drug tablets mas kilala sa tawag na ecstasy na nagkakahalaga ng ₱7,634,700.00 sa Port of Clark Pampanga.

Ayon sa PDEA Clark Interdiction Unit, ang naturang shipment ay naglalaman ng illegal drugs at nagmula sa Belgium at dumating sa Port of Clark noong nakaraang March 29, 2025.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon na ang parcel mula sa Belgium ay narating sa Port of Clark kaya’t agad na ipinaabot ang naturang impormasyon sa PDEA Intelligence Service sa PDEA Regional Office 3 na naging daan sa matagumpay na interdiction operation.

Agad na sinuri nang mabuti ng PDEA Clark personnel at iba pang mga saksi gaya ng Bureau of Custom (BOC) Port of Clark ang package na naglalaman ng ecstasy at napatunayan na positibo ang resulta.

Masusing sinuri ng PDEA Regional Office 3 Laboratory ang naturang iligal na droga para sa forensic examination.

Facebook Comments