Aabot sa 73 basic necessities at prime commodities kabilang na ang tinapay ang nagtaas ng suggested retail prices (SRP).
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, 73 shelf keeping units (SKU) o 34 percent ang nagtaas ng SRP ng mas mababa sa sampung porsyento.
Nasa 143 SKUs naman ang hindi nagtaas o nanatili ang price levels noong 2021.
Ang presyo ng 450 grams na Pinoy Tasty ay nasa P38.50 mula sa dating P35 habang ang Pinoy Pandesal ay tumaas ng dalawang piso para sa 250 gram.
Nagkaroon din ng price adjustments sa canned sardines, locally manufactured noodles at kape na naglalaro sa 25 hanggang 75 centavos.
Paliwanag ni Castelo, ang pagtaas ng SRP ay dulot ng pagtaas ng presyo ng raw materials at production inputs.
Facebook Comments