Naniniwala si officer-in-charge (OIC) National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PBGen. Jonnel Estomo, na malaking maitutulong ang mga bagong motorsiklo upang tugisin ang mga masasamang elemento ng lipunan.
Ang naturang pahayag ay ginawa ni Estomo matapos ang isinagawang send-off ceremony ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) Tactical Motorcycle Riders Unit (TMRU) ang karagdagang 72 motorsiklo na gagamitin sa pagpapatrolya upang mapabilis ang pagresponde ng mga pulis sa mga lugar na mataas ang krimen.
Ayon kay Estomo napakahalaga ang naturang mga motorsiklo sa pagresponde sa mga lugar na mataas ang krimen lalo na kung matrapik sa lugar dahil sa papalapit na panahon ng kapaskuhan.
Mahigpit din na pinaalalahan ng pamunuan ng NCRPO ang mga pulis na kinakailangan lamang na gampanan ang kanilang trabaho at kung maaari ay iwasang masangkot sa anumang uri ng ilegal na gawain, dahil tinitiyak ni Estomo na hindi nito kokonsintin ang sinuman sa hanay ng PNP at hindi siya mangingiming sisibakin ang sinumang mga pulis na sangkot sa anumang mga iligal na aktibidades.