Ikinatuwa ng pamunuan ng Taytay Rizal Government na umaabot na sa 79 na mga pasyenteng tinatamaan ng COVID-19 ang nakarekober o gumaling na mula sa nakamamatay na virus kung saan mayroon namang siyam ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Taytay, Rizal.
Ayon kay Taytay, Rizal Joric Gacula, iniulat ng Taytay Municipal Epidemiology and Surveillance Unit (MESU) na kasalukuyan ay mayroong 90 na active cases na patuloy pa rin binabantayan at tinututukan ng Taytay Rizal Government, 82 ang nasa active cases at siyam ang naiulat na kumpirmadong kasong naitala noong Miyerkules, nabawasan ng isang nakarekober kaya’t umakyat na sa 90 active cases.
Mula sa 90 na active cases, 67 na pasyente ang sumailalim sa mahigpit na quarantine at 23 na pasyente naman ang admitted sa mga pagamutan at quarantine facility.
219 naman ang itinuturing na suspect cases, zero ang probable case at 17 na ang binawian ng buhay kung saan may kabuuang 86 na positibong kaso ng nakamamatay na COVID-19 virus sa bayan ng Taytay, Rizal.