Mahigit 70 pamilyang nasunugan sa Las Piñas, nakatanggap ng tulong mula sa city social welfare

Nakatanggap ng tulong ang mahigit 70 na pamilyang apektado ng sunog na sumiklab sa isang residential area sa Las Piñas City.

Ayon sa Las Piñas local government unit, magkatuwang ang City Social Welfare and Development Office at mga opisyal ng barangay para sa agarang pagtukoy ng pangunahing pangangailangan ng mga nasunugan tulad ng pagkain, tubig, kalinisan at maayos na tulugan.

Kaagad namang nagtayo ang lokal na pamahalaan ng mga modular tent na magagamit ng mga biktima.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na tutulungan nilang makabangon muli ang mga nasunugan lalo pa’t nalalapit na rin ang pasukan at simula ng panahon ng tag-ulan.

Facebook Comments