
Libu-libong mga pasahero ang patuloy na naitatala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pantalan ngayong Holy Week.
Sa pinakahuling ulat ng PCG, may 55,269 na naitalang outbound passengers at 46,724 naman ang inbound passengers sa lahat ng mga pantalan nationwide.
Nasa 4,102 naman ang mga frontline personnel na naka-deploy sa 16 na PCG Districts na nag-inspeksiyon din sa 734 na barko at 804 na motorbanca.
Mula kahapon, nasa heightened alert na ang PCG upang umagapay sa dagsa ng mga pasaherong bumibiyahe ngayong Semana Santa.
Tatagal ang heightened alert ng PCG hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay sa April 20.
Facebook Comments