Mahigit 700 indibidwal, apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon

Umaabot sa 170 pamilya o katumbas ng 796 indibidwal ang apektado ngayon ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council, mula ito sa 8 barangay sa Regions 6 at 7.

Sa nasabing bilang, nasa halos 700 katao ang nananatili sa 8 evacuation centers habang nasa mahigit 100 indibidwal ang piniling manatili sa kanilang tahanan o makituloy pansamantala sa kani-kanilang mga kamag-anak.


Kasalukuyang naka-full alert ang Office of Civil Defense para magbigay ng kaukulang pag-aalay at tulong sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkag Kanlaon.

Facebook Comments