Tumiwalag na ang 755 miyembro ng iba’t ibang militanteng grupo sa Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDF), kasabay ng pag-kondena sa grupo.
466 sa mga nagbalik-loob ay pawang kasapi ng San Isidro Kasiglahan Kapatiran Damayan para sa Kabuhayan, Katarungan at Kapayapaan at Kalipunan ng Damayang Mahihirap – Southern Tagalog.
Habang 289 naman ang miyembro ng Unified Residents Organization, Kasiglahan Friendly Neighborhood Association, at United Muslim Community Association.
Facebook Comments