Mahigit 700 na pulis, Napromote Ngayong Araw!

*Tuguegarao City, Isabela-* Itinaas sa ranggo kaninang umaga, Agosto 20, 2018 ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang nasa 749 na pulis dito sa rehiyon dos na ginanap sa Grandstand ng PRO2 sa pangunguna ni PRO2 Regional Director Jose Mario Espino.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay PRO2 Regional Director Espino, mula sa mahigit isang libong sumailalim sa iba’t-ibang eksaminasyon at interview na isinagawa ng PRO2 Pomotion Board sa pangunguna ni Pol. Senior Supt. John Cornelius Jambora, ang Deputy Regional Director for Administration kasama ang iba pang mga matataas na opisyal ay nasa pitongraan at apatnapu’t siyam lamang ang pumasa sa mga ito.

Ang mga napromote ay kinabibilangan ng limampu’t limang Police Commissioned Officer at ang animnaraan at siyamnapu’t apat naman ay kinabibilangan ng mga Police Non-Commissioned Officer.


Ayon kay Regional Director Espino, napromote ang mga ito dahil sa kanilang ipinakitang kasipagan at pagtupad sa kanilang mga responsibilidad kaya’t pinaalalaahanan naman ng nasabing opisyal ang lahat ng mga na-promote na pulis na lalo pa nilang husayan at gampanan ang kanilang mga tungkulin upang mapanatiling mapayapa at maayos ang ating rehiyon.

Samantala, mahigpit umano ang kanilang koordinasyon sa mga militrar hinggil sa mga nagaganap na engkwentro dito sa lalawigan ng Isabela at nakikipagtulungan na rin umano ang mga kapulisan upang maiwasan ang mga ensurhensya at mas lalo na rin umanong tinututukan ngayon ng kapulisan ang pagpuksa sa mga iligal na droga.

Facebook Comments