Mahigit 700 pamilya sa Maynila, dinala sa evacuation centers dahil sa Bagyong Pepito

Nadagdagan pa ang bilang ng mga inilikas sa lungsod ng Maynila dahil sa banta ng Bagyong Pepito.

Sa datos ng Manila Social Welfare and Development (MSWD), nasa 749 na pamilya ang nananatili sa iba’t ibang evacuation centers sa lungsod.

Nasa 197 ang pamilyang tumutuloy muna sa Corazon Aquino High School o katumbas ng 802 na indibidwal.


133 naman na pamilya ang tumutuloy sa evacuation center sa Barangay 101 o kabuuang 409 na indibidwal.

Bukod sa Corazon Aquino High School, pansamantala ring tumutuloy ang mga apektadong residente sa Delpan Evacuation Center, Benigno Aquino Elementary School, Herminigildo J. Atienza Elementary School, Rosauro Almario Elementary School, at Pedro Guevarra Elementary School.

Marami sa mga inilikas ay nakatira sa mga lugar na malapit sa baybayin ng Manila Bay na mapanganib naman dahil sa banta ng storm surge.

Sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA nitong 11 nang umaga, nananatili sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 ang Metro Manila.

Facebook Comments