Mahigit 700 pasok sa eskwela at trabaho sa ilang rehiyon sa bansa, nananatiling suspendido dahil sa epekto ng Bagyong Nika at Ofel

COURTESY: Cagayan PIO

Nasa higit 700 mga klase sa eskwelahan at pasok sa trabaho sa ilang rehiyon sa bansa ang nananatiling suspendido dahil sa epekto ng Bagyong Nika at Ofel.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinakamaraming class suspensions ang naitala sa Ilocos Region sinundan ng Central Luzon, CALABARZON, Cagayan Valley, CAR at Bicol Region.

Ayon sa NDRRMC, ang mga eskwelahan kasi ang pansamantalang nagsisilbing evacuation center ng mga sinalanta ng bagyo.


Bukod dito, mayroon ding kanseladong pasok sa trabaho sa Ilocos Region at Cagayan Valley.

Sa pinakahuling tala ng NDRRMC, dalawa ang napaulat na nasaktan dahil sa pananalasa ng bagyo kung saan walang naitalang nasawi at nawawala.

Facebook Comments