Mahigit 700 possible COVID close contact, na-detect sa Quezon City

Inihayag ng Quezon City Government na sa pamamagitan ng KyusiPass contact tracing system ay natukoy ang 774 indibidwal na close contact ng siyam na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU) Chief Dr. Rolando Cruz, pinadalhan na ng abiso ang mga personalidad para makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.

Paliwanag ni Cruz, na-detect at natukoy ang mga indibidwal sa isang establisyemento matapos masuri ang aktibidad ng mga residente na nagpositibo noong May 7 at 8.


Dagdag pa ni Cruz, mabilis lang nakuha ang detalye ng ibang costumers sa nasabing establisyimento dahil sa KyusiPass.

Lahat ng mga residente na nakatanggap na ng abiso mula sa CEDSU ay pinapayuhan na tumawag sa kanilang contact tracing hotlines na 8703-2759, 8703-4398, 0916-122-8628, 0908-639-8086 at 0931-095-7737 o mag-email sa kyusipass@quezoncity.gov.ph.

Facebook Comments