Mahigit 700 pulis, ipakakalat sa UST para magbantay sa kukuha ng bar exam simula sa Linggo

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng pamunuan ng Manila Police District na mahigit pitong daang pitumput limang pulis ang magbabantay sa University of Santo Tomas upang protektahan ang libu-libong examinees na kukuha ng Bar Exams simula sa linggo Nobyembre a-singko.

Ayon kay MPD District Director Chief Supt. Joel Coronel, ang sinumang manggugulo sa naturang bar exams ay dadalhin sa Special Court na itatayo sa loob ng UST 100 ang metro ang layo at kakasuhan ng Direct Contempt of Court.

Paliwanag ni Coronel sa ilalim ng bagong regulasyon ang sinuman na manggugulo o makakaabala sa bar exams sa loob ng 100 metro ng UST Campus ay dadamputin ng pulisya at kakasuhan ng Direct Contempt bukod pa sa kasong kriminal at paglabag sa mga City Ordinances.


Giit ng opisyal magkakaroon din ng re-routing sa bahagi ng España na papuntang Quiapo mula alas 4 ng umaga hanggang alas 7 ng umaga at mula alas 4 ng hapon hanggang alas 7 ng gabi at mahigpit din ang pagpaparada sa paligid ng UST, gaya ng España, Dapitan, P. Noval at Lacson sa Sampalok, Manila.

Facebook Comments