Mahigit 700 pulis, ipinakalat sa paligid ng UST para magbantay sa kukuha ng bar exam

Manila, Philippines – Nakakalat ngayon ang mahigit 700 pulis ng Manila Police District para magbabantay sa University of Santo Tomas (UST) upang protektahan ang libu-libong examinees na kukuha ng Bar Exams simula ngayong Linggo, Nobyembre a-singko.

Ayon kay MPD District Director Chief Supt. Joel Coronel binalaan nila ang sinumang manggugulo sa naturang Bar Exams ay dadalhin sa Special Court na itatayo sa loob ng UST 100 ang metro ang layo.

Paliwanag ni Coronel sa ilalim ng bagong regulasyon ang sinuman na manggugulo o makakaabala sa Bar Exams sa loob ng 100 metro ng UST Campus ay dadamputin ng pulisya at kakasuhan ng direct contempt bukod pa sa kasong kriminal at paglabag sa mga city ordinances.


Giit ng opisyal magkakaroon din ng rerouting sa bahagi ng España na papuntang Quiapo mula alas 4 ng umaga hanggang alas 7 ng umaga at mula alas 4 ng hapon hanggang alas 7 ng gabi at mahigpit din ang pagpaparada sa paligid ng UST, gaya ng España, Dapitan, P. Noval at Lacson sa Sampalok Manila.

Facebook Comments