Mahigit 7,000 ang bagong gumaling sa COVID-19

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 7,561 na gumaling sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,661,602 ang kabuuang COVID-19 recoveries sa bansa.

Nasa 4,405 ang karagdagang kaso kaya pumalo na sa 2,761,307 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19.


Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso, 57,763 ang aktibong kaso ngayon sa bansa.

149 naman ang pumanaw kaya umabot na sa 41,942 ang kabuuang COVID-19 ang mga nasawi.

Patuloy naman ang paalala ng DOH sa publiko na sumunod sa Minimum Public Health Standards.

Facebook Comments