Mahigit 7,000 COVID-19 recoveries sa bansa, naitala ngayong araw

151

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) na 7,533 na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.

7,443 naman ang mga bagong kaso habang 156 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 1,216,582 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Ang kabuuang recoveries naman ay 1,142,246 habang ang total deaths ay 20,722.

Facebook Comments