7,698 ang naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) na bagong gumaling sa COVID-19 sa bansa.
5,908 naman ang bagong kaso habang 90 ang bagong binawian ng buhay.
Sa ngayon, 1,430,419 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa nasabing bilang, ang aktibong kaso ay 53,665 habang ang kabuuang recoveries na ay 1,351,691.
Ang kabuuang namatay naman ay umaabot na sa 25,063.
Facebook Comments