You're viewing an older RMN Networks article from our archives.

Mahigit 7,000 COVID patients sa bansa, panibagong gumaling

7,698 ang naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) na bagong gumaling sa COVID-19 sa bansa.

5,908 naman ang bagong kaso habang 90 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, 1,430,419 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa nasabing bilang, ang aktibong kaso ay 53,665 habang ang kabuuang recoveries na ay 1,351,691.

Ang kabuuang namatay naman ay umaabot na sa 25,063.

Facebook Comments