Mahigit 7,000 COVID recoveries sa bansa, naitala ngayong araw

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong araw ng 7,552 na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.

5,675 naman ang bagong kaso habang 96 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 1,467,119 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa


Ang aktibong kaso naman ay 49,968.

Ang total recoveries naman ay 1,391,335 habang ang total deaths ay 25,816.

Facebook Comments